(Complete Story) Pagkalipas ng halos siyam na taon, malaking-malaki na ang pinagbago ni Amy nang magbakasyon ito sa kanilang probinsya, kaya naman ay titig na titig sa kanyang kagandahan ang kanyang mga kapitbahay nila noon na kalaro niya.
Sampung taon pa lang si Amy nang lisanin nila ang kanilang lugar.
Nagkaroon kasi ng magandang trabaho ang kapatid niyang lalaki kung saan nakapundar ito ng magandang bahay at lupa sa Maynila.
Kinuha siya ng kanyang kuya pati na ang mga magulang niya at doon na naninirahan.
Sa Maynila na rin natapos ni Amy ang elementarya at sekondarya pero nagpapatuloy pa rin siya sa kanyang pag-aaral sa isang Catholic school sa Maynila kung saan 3rd year na siya sa kursong BS in Nursing.
Nang mag-semister break sila Amy, napagkasunduan ng mga magulang niya na magbakasyon sa kanilang probinsya para dalawin ang kani-kanilang mga kamag-anak.
Kasama ang maganda nilang anak na si Amy sa bakasyon.
Hindi rin naman kasi papayag ang dalaga na maiwang mag-isa sa bahay nila sa Maynila, at isa pa, gustong-gusto na rin niyang makita kung kumusta na ang kalagayan ng kanilang lugar sa probinsya mula nang umalis siya roon siyam na taon na ang nakalilipas.
Ang gumastos sa kanilang bakasyon ay kapatid ni Amy na si Ramon, na isa nang matagumpay na negosyante.
Nakita ni Amy na wala pa ring pagbabago sa kanilang lugar nang mamasyal sila kasama ang kanyang pinsan na si Jing na kasing edad niya at dalaga na rin.
Ang basketball court na malapit sa barangay hall ay nandoon pa rin. Hindi pa rin iyon nagbabago.
Napangiti pa si Amy nang makita niya ang flag pole sa elementary school na kaharap lang sa barangay hall kung saan grade 5 siya nang iwan niya ang nasabing eskuwelahan.
Muli kasing sumariwa sa isip niya ang pagkabit niya ng flag nang mag-ceremony isang umaga nung mag-aaral pa siya sa naturang eskuwelahan.
"Jing, nasaan na pala si Larry?" tanong ni Amy sa kanyang pinsan.
"Sinong Larry?" tanong naman ni Jing.
"Yung kapitbahay natin dati."
"Ah, si Larry Suarez ba kamo?"
"Oo, tama ka. Nasaan na pala ‘yun?"
"Ba’t mo naman natanong?" si Jing.
"Wala lang, kasi naalala ko kasi na lagi ko siyang kasama tuwing nagpa-flag ceremony kami tapos siya ‘yung humahatak sa tali para tumaas ‘yung flag," nakangiting paliwanag naman ni Amy.
"Ay, wala na ‘yun. Matagal na," sagot naman ni Jing.
"Anong wala na?" pangungulit ni Amy.
"Wala na, as in patay na," ani Amy.
"Ha?! Bakit naman?"
"Nag-CAFGU iyon, sinalakay ‘yung kampo nila ng mga rebelde. ‘Ayun nagkabarilan tapos tatlo ang patay sa side ng CAFGU at kasama si Larry," malungkot na turan ng pinsan ni Amy.
"Ganu’n ba? Kawawa naman si Larry. Nakaganti ba sila?" si Amy.
"Oo naman. 17 rebelde ang napatay nila," sambit pa ni Amy, "Talagang ganu’n ang buhay, kahit tayo ‘di natin alam kung kailan tayo kukunin ni Lord," dagdag pa ni Jing.
"Hi, Jing! Ang ganda naman niyang kasama mo. Sino ‘yan?" tanong ng isang binata nang makasalubong nito ang dalawang dalaga.
"Asus, hindi mo na talaga nakilala si Amy, he he he!" sagot naman ni Jing sa binata.
"Sino ‘yan, Jing," bulong ni Amy.
"Hindi mo na nakilala? Si Richard ‘yan... ‘yung tinutukso sa iyo dati nung mga bata pa tayo," sagot ni Jing.
"Talaga?" si Amy.
"Hi, Amy! Sobrang ganda mo na ngayon a. Talagang hindi ka na ma-reach. Ibang-iba ka na ngayon. Una pa lang kitang nakita, nakaka-inlove ka na, he he he! Biro lang," biro pa ni Richard.
Download the whole series below, just complete a quick survey.